Marcos sa mga negosyante: Mga empleyado, bigyan ng bonus

Nanawagan si Sen. Imee Marcos sa mga may-ari ng malalaking kumpanya na kahit papaano ay magbigay ng Christmas bonus sa kanilang mga empleyado para higit na maipagdiwang ang Pasko.
Nilinaw ni Marcos na bagama’t, hindi itinatakda sa batas ang pagbibigay ng Christmas bonus, ang mga malalaking kumpanya o maunlad ang negosyo ay maaaring boluntaryo na magbigay ng Christmas bonus sa kanilang mga empleyado.
“Kung maganda naman ang takbo ng negosyo ng isang kumpanya, puwede naman kahit grocery pack o P2,000 o higit pa ang ibigay sa kanilang mga empleyado. Christmas naman ngayon at malaking bagay na ‘yun sa kanilang mga empleyado,” paliwanag ni Marcos.
“Kung gagawin ito ng isang kapitalista, lalung mahihikayat ang kanilang mga empleyado na magtrabaho nang maayos at higit na magpakita ng katapatan sa kanilang pinapasukang trabaho,” dagdag pa ni Marcos.





Comments