Kina Lani at Ai-Ai, hindi… Contestants sa show ng siyete, takot na takot kay Christian
- Erlinda Rapadas
- Dec 12, 2019
- 1 min read

Mula sa hanay ng 64 Clashers na pumasa at napili upang lumaban sa The Clash Season 2, hanggang sa isa-isang na-eliminate ang marami at 12 Finalists na lang ang natira upang muling magpakita ng kanilang galing at talento sa pagkanta, mas humigpit ang labanan hanggang sa magkaroon ng twist noong walo na lang ang natitira.
Ang mga unang na-eliminate sa grupo ng Top 12 ay muling naglaban-laban at ngayon, sa labanang matira, matibay ay anim na Clashers na lang ang maghaharap para sa matinding showdown na gaganapin sa Dec. 15, ang Grand finals ng The Clash Season 2.
Mapalad sina Thea Astley, Jennifer Maravilla, Antonette Tismo, Jeremiah Tiangco, Aljon Gutierrez at Nef Medina dahil sila ang maituturing na pinakamagagaling na singer/performers sa The Clash Season 2.
Sa tatlong judges ng The Clash na binubuo nina Lani Misalucha, Ai Ai delas Alas at Christian Bautista, ang huli ang pinakakinatatakutan ng mga Clashers.





Comments