top of page

Hirit ng gobyerno, para sa 5 miyembro ng pamilya.. P10,787 monthly, kasya na

  • Mylene Alfonso
  • Dec 12, 2019
  • 1 min read

Kailangan umanong kumita ng halagang P10,727 bilang monthly income para sa isang pamilyang Filipino upang masustinehan ang pangangailangan tulad ng basic food at non-food needs.

Ito ang inihayag ni Philippine Statistics Authority Assistant Secretary Rosalinda Bautista sa economic briefing sa Malacañang kung saan ang naturang ideal monthly income ay maaaring magkasya sa limang miyembro ng pamilya para sa mag-asawa hanggang sa tatlong anak.

Ayon pa kay Bautista, kaya ng limang miyembro ng pamilyang na kumain sa umagahan ng scrambled eggs, kanin at three-in-one na kape.

“Lunch can include ginataang monggo with malunggay, dried dilis, rice and a banana while dinner can be fried fish or boiled pork, a vegetable dish such as steamed kangkong and rice,” ani Bautista.

Aniya, malaking bahagdan ng buwanang sahod na P10,727 ay napupunta sa food items na aabot sa P7,528. Kasya umano ito para maitawid ang nabanggit na monthly threshold para sa pagkain nang mula agahan hanggang hapunan habang uubra pa rin aniyang pang-meryenda sa naturang food allocation.

Maaari naman umanong magkaroon ng meryenda tulad ng tinapay o nilagang kamoteng-kahoy. Ang matitira naman na expenses ay para sa non-food items tulad ng pananamit, house maintenance o pang-upa sa bahay, tubig at kuryente, medical care at iba pa.

Dagdag pa ng senadora na hindi naman kasama sa P10,727 monthly income ang recreation at pang-inom.

Comments


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page