top of page
BULGARY - SERYE NI COCO, INIREKLAMO SA MTRCB, TULOY PA RIN-IG _dreamscapeph.jpg

Bayanihan para sa mga biktima ng bagyong Tisoy, pairalin

  • Nancy Binay
  • Dec 12, 2019
  • 2 min read

Nancy Binay / Be Nice Tayo

Nitong nakaraang linggo, binayo ng Bagyong Tisoy ang ating bansa.

Ayon sa Department of Agriculture (DA), umabot sa P1.93 bilyon ang pinsala sa mga pananim dahil sa bagyo.

Dahil din sa Bagyong Tisoy, lumakas lalo ang monsoon rains sa Northern Luzon na nagdulot ng pagbaha at landslides sa Cagayan, Isabela at iba pang lalawigan. Dahil dito, napilitang lumikas ang nasa 66,000 nating kababayan.

At dahil sa sakunang ito, nangangamba tayong maging madilim ang Pasko ng marami sa ating mga kababayan.

Government is doing its best to help our fellow Filipinos recover from this disaster.

Gayunman, nananawagan tayo sa ating mga kababayan na tumulong sa mga relief effort.

Any amount of help will go a long way. Likas sa ating mga Pinoy ang pagbabayanihan —naniniwala tayong kapag kailangan, palagi tayong magbibigay para matulungan ang mga nangangailangan.

◘◘◘

Nakita natin ang pagbabayanihang ito sa 30th Southeast Asian Games na natapos na kahapon.

Ipinamalas ng surfer na si Roger Casugay ang kanyang kabayanihan nang sagipin niya ang katunggali niyang Indonesian surfer na si Arip Nurhidayat.

Sobrang inspiring na makita ang ganitong klaseng kagitingan at kongkretong halimbawa ito na maaari nating ipakita sa kabataan.

Dahil sa kabayanihan ni Roger Casugay, karapat-dapat lang na siya ang naitakdang flag-bearer sa closing ceremony nito.

Mabuhay si Roger at sa lahat ng atletang Pilipino!

Kung mayroon kayong nais idulog o ipaabot sa inyong abang lingkod, maaari kayong sumulat sa BE NICE TAYO ni Sen. Nancy Binay, BULGAR Bldg., 538 Quezon Ave., Quezon City o mag-email sa benicetayo.gmail.com.

Paalala lamang na sana ay isama ninyo sa inyong mga liham ang inyong contact number upang mas madali namin kayong mapaglingkuran. Always Be Nice! FOLLOW US! Facebook: www.facebook.com/SenatorNancyBinay Twitter: www.twitter.com/SenatorBinay @SenatorBinay Instagram: @SenatorNancyBinay

Comments


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page