Tangke ng tubig bumigay, beybi, 2 pa, nabagsakan
- Jeff Tumbado
- Dec 11, 2019
- 1 min read

Photo: Abs-cbn News
Tatlo katao ang sugatan kabilang ang bagong silang na sanggol makaraang mabagsakan ang kanilang bahay ng nag-collapsed na tangke ng tubig sa Legazpi City.
Patuloy na nagpapagaling sa ospital ang mga biktima kabilang ang nabanggit na sanggol na nasa ligtas nang kalagayan. Sa report kay Police Lt. Col. Aldwin Gamboa, pasado alas-7:00 kamakalawa ng gabi nang maganap ang insidente sa bahay ng mga biktima sa Bgy. Estanza.
Sinasabing humina ang pundasyon ng tangke dahil umano sa paghagupit ng nagdaang Bagyong Tisoy na nanalasa sa Bicol Region.
Sa pagbagsak ng tangke, nasira ang ilang kabahayan dahil na rin sa puno ito ng tubig. Natangay din ang isang nakaparadang kotse dahil sa pagragasa ng tubig.
Umaapela ngayon ng tulong sa developer ang mga pamilyang naapektuhan ng insidente. Bukod sa pinsala sa kanilang mga bahay, problema rin kung saan ngayon kukuha ng tubig ang mga residente.





Comments