top of page
Bea Alonzo - IG.jpg

Nagpakatotoo lang… Coco, kabadong makasama si Angelica

Ronalyn Seminiano
Dec 11, 2019
1 min read

Ronalyn Seminiano / Showbiz Trends

Sasabak si Coco Martin sa bagong project at siguradong patok ito dahil first time nilang magtatambal sa pe­li­kula ni Angelica Panganiban na nag­bida sa katatapos lang na Unbreakable together with Bea Alonzo.

Excited pero kabado si Coco para sa rom-com movie nila ni Angelica under Star Cinema na may working title na Love Or Money directed by Mae Cruz-Alviar.

Aniya, “Kasi bagong kombinasyon, and definitely ‘yung project, ibang-iba sa Probinsyano. Kasi ang tagal ko na sa Probinsyano, eh. Ngayon, excited ako kasi magbabalik ako sa drama and at the same time, si Angge, napakaga­ling na artista sa drama and comedy kaya nakaka-pressure para sa akin.”

Four years na ang Ang Probinsyano at kahit naging parte na nito si Ange­lica, excited din daw ang magandang aktres na muling makatrabaho si Coco.

Sey ni Angelica, “Siyem­pre, ang tagal natin siyang nakikita sa Probinsyano. Nag-Probins­yano ako pero sandali lang, isang bu­wan lang, so iba rin ‘yung ma­gi­ging experience na maka­gawa ng movie together. Ibang flavor naman ang gagawin niya, iba rin ang maio-offer namin.”

Para sa pagtatambalang pro­yekto ng dalawa, maggi-give way daw muna ang action-serye ni Coco.

Biro ni Angelica, “Stop muna ang Probinsyano. Ako lang ang makakapag­patigil.”

Hirit naman ni Coco, “Sa­­nay naman ako na ha­bang may Pro­binsyano, gu­magawa rin ako ng pelikula. Kasi talagang pinag­ha­han­daan namin ito. Sabi nga namin, sinu­su­bukan namin na sana, maihabol namin for Valen­tine’s Day.”

 
 
 

Comments


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page