Nag-alangan tumawid, sapol.. Kelot, pisak sa bus

Patay ang construction worker makaraang masalpok ng tourist bus habang papatawid, kamakalawa ng gabi sa kahabaan ng Bgy. Bancal, Carmona, Cavite.
Kinilala ang biktima na si Roberto Nablo, stay-in sa G-Sat Construction site. Sumuko naman ang suspek na si Ryan Simon, 36, ng Parañaque, driver.
Sa imbestigasyon ng pulisya, alas-9:00 ng gabi nang maganap ang insidente. Papatawid sana ang biktima nang bigla itong mag-alangan nang makita ang paparating na bus kaya babalik sana ito subalit, nahagip na ito ng nasabing sasakyan.
Napisak ang biktima at nakaladkad pa ito. Tumakas pa ang suspek subalit, kalaunan ay sumuko rin ito sa Dasmariñas PNP. Aniya, natakot lang umano siya na mabugbog sa lugar kaya ito tumakas.





Comments