Milagro ng 2005, naulit 2nd SEA Games C’ship ng ‘Pinas
- A. Servinio / Arce / VA
- Dec 11, 2019
- 2 min read

Tinapos ng National wrestlers ang matagal na pagkakagutom sa gold medal sa muling pagbabalik ng sports sa 30th Southeast Asian Games sa Angeles University Foundation sa Pampanga.
Matapos ang dalawang edisyon na pagkakabakante dahil sa walang maipasok na manlalaro ang host countries, nagbitbit ng 3 gold medal ng mga matitikas na kalalakihan at kababaihan ng national wrestling team. Naka-gold sina Noel Norada at Jason Baucas sa men’s under -63kgs at under-72kgs Greco-Roman. Hinigitan naman ni Baucas si Hong Phuc Duong ng Vietnam, 11-6 para sa gold medal sa under-72kgs. “Pay-off lahat ng hirap ng mga athletes natin. We’re very happy na muling nasilayan at napanood ng ating mga kababayan itong wrestling,” pahayag ni national team Head coach Cristina Vergara. Samantala, kinuha naman ni Caviar “EnDerr” Acampado ng Team Sibol ang ikatlong gintong medalya ng koponan sa StarCraft II ng panisin ang katunggaling si Thomas “Blysk” Kopankiewicz ng Singapore para sa huling araw ng kumpetisyon sa Esports. Ipinamalas ni Acampado ang kaniyang galing sa taktika at diskarte ng higitan nito si Kopankiewicz sa pagmamane-obra ng kanyang base na kinalauna’y naubos sa malupit na Game 5 win. “Napansin ko kase na nahihirapan na siya sa pagbuild ng fourth base niya kaya doon ako nakakita ng opurtunidad na gawin yung ng paulit-ulit,” wika ni Acampado.
Dumating ang isa pang gintong medalya para sa Pilipinas sa huling araw ng mga karera ng Sailing. Wagi ng ginto sa Mixed Keelboat Match Racing In FE28R kontra sa Singapore, 2-0. Pinamunuan ang nagwaging koponan ni Kapitan Joel Mejarito kasama sin Ridgely Balladares, Rubin Cruz, Whok Dimapilis, Richly Magsanay at Edgar Villapana.
Samantala, itatampok sa closing ceremony mamayang gabi mula dalawang linggong kasiyahan ang pinakamahusay na atleta ng Timog Silangang Asya sa pormal na pagbaba ng telon ng 30th Southeast Asian Games sa New Clark City. Maraming natuklasan na bagong bayani, marami rin ang nagpatuloy ng kanilang angking husay at may ilan din na nagpaalam matapos ang mala-alamat na karera. Napili si Roger Casugay ng Surfing bilang taga-dala ng watawat ng Pilipinas sa parada ng mga atleta. Umani ng papuri si Casugay dahil pinili niya na iligtas sa lunod ang kanyang karibal na Indones imbes na tumuloy at kunin ang tagumpay.
Ibibigay ang watawat ng SEA Games Federation sa mga kinatawan ng Vietnam, ang susunod na punong abala ng 31st SEA Games sa 2021. Papatayin ang apoy ng cauldron sa stadium bilang simbolo ng pagwawakas ng 30th SEA Games. Gaya sa opening ng SEA Games noong Nob. 30 sa Philippine Arena, magtatanghal muli si Apl de Ap ng Black Eyed Peas. Sasamahan siya ng mga piling bituin ng showbiz tulad ni Arnel Pineda at mayroon ding mga fireworks.





Comments