top of page
Bea Alonzo - IG.jpg

Horoscope | Disyem­bre 11, 2019 (Miyerkules)

Maestro Honorio Ong
Dec 11, 2019
2 min read

Bulgar Horoscope

Sa may kaarawan ngayong Disyem­bre 11, 2019 (Miyerkules): Likas kang masuwerte kaya hindi maiiwasan na hindi ka ga­anong magsisikap. Ito ang kahulugan ng araw ng iyong pagsilang.

ARIES (Mar. 21-Apr. 19) - Hindi ka dapat makuntento sa mga nasa iyo na dahil manghihinayang ka sa mga puwede pang mapa­sa­iyo. Hindi pagtigil sa pag­ha­hangad mo ang dapat mong atupagin ngayon. Ito ang mensahe para sa iyo. Ma­suwerteng kulay-yellow. Tips sa lotto-10-18-20-27-30-31.

TAURUS (Apr. 20-May 20) - Habang nila­lasap mo ang magagandang bagay na napasaiyo, ilagay mo sa iyong isipan na may mga kailangan ka pa para sa pagpapaganda ng iyong ki­nabukasan. Ito ang men­sahe para sa iyo. Masu­wer­teng ku­lay-purple. Tips sa lotto-4-15-17-20-23-25.

GEMINI (May 21-June 20) - Sakyan mo lang ang masasa­yang kagana­pan ngayon at sa mga araw pang darating. Ang mga ito ay may kakambal na naka­mamanghang suwerte na la­bis-labis mong ikatutuwa. Masuwerteng kulay-pink. Tips sa lotto-9-18-20-21-26-36.

CANCER (June 21-July 22) - Hindi ka dapat manghi­na­yang sa mga mababawas sa kabuhayan mo dahil ang mga ito ay magbubunga ng magagan­dang kapalaran sa hinaha­rap. Ito ang mensahe para sa iyo ngayon. Masuwerteng kulay-beige. Tips sa lotto-15-17-20-24-38-42.

LEO (July 23-Aug. 22) - Ka­pag masaya ka, lalo kang susu­wertehin. Ka­pag malungkot ka, may mag­papasaya sa iyo, pero ang mas maganda, masaya ka sa sarili mo dahil malalaking biyaya ang mapasasaiyo. Masuwer­teng kulay-blue. Tips sa lot­to-16-19-25-28-33-35.

VIRGO (Aug. 23-Sept. 22) - Huwag mong higpitan ang hawak mo sa mga nasa iyo na. Ihanda mo ang iyong kalooban kung saan ang mga ito ay maba­bawasan ngayon dahil sa pangangailangan ng ilang malalapit sa buhay mo. Ma­suwerteng kulay-black. Tips sa lotto-1-14-15-20-23-30.

LIBRA (Sept. 23-Oct. 22) - Isang hakbang paatras, dala­wang hakbang pasulong, ito ang isabuhay mo nang makatiyak ka na ang naglalakihang mga su­werte ay mapasasakamay mo. Ito ang mensahe para sa iyo. Masuwerteng kulay-violet. Tips sa lotto-6-17-20-23-38-42.

SCORPIO (Oct. 23-Nov. 21) - Piliin mo ang landas ng pakikipagka­sundo. Magparaya ka sa maliit na bagay. Isabuhay mo ang pagiging mahina­hon dahil kapag payapa ang iyong kalooban, ikaw ay buwenas. Masuwerteng kulay-peach. Tips sa lotto-6-10-29-30-33-34.

SAGITTARIUS (Nov. 22-Dec. 21) - Patuloy ang ikot ng oras­yon kahit ang tao ay hindi kumikilos. Tulad mo, magpapatuloy ang ikot ng iyong buhay at patuloy kang susuwertehin kahit wala kang ginagawa. Masu­werteng kulay-red. Tips sa lotto-11-14-15-28-30-37.

CAPRICORN (Dec. 22-Jan. 19) - Totoong nakanenerbi­yos ang araw na ito. Gayunman, ang mga nerbiyos mo ay nagbabali­tang kinakabahan ka dahil ang mga suwerte mo ay mag­daratingan na. Masu­werteng kulay-brown. Tips sa lotto-6-12-24-25-30-40.

AQUARIUS (Jan. 20-Feb. 18) - Mabibilis ang kagana­pan, isang bu­not, isa ang matutuwa, isang bunot pa, ikaw naman ang ma­kikitang nagtatata­lon sa galak. Ito ang mensahe ng iyong kapalaran ngayon. Ma­suwerteng kulay-white. Tips sa lotto-2-14-17-31-42-45.

PISCES (Feb. 19-Mar. 20) - Nagmamadali na parang hin­di na magpapa­­awat at ikaw ay dadalawin ng malalaking suwerte. Ka­pag ginamit mo ito sa pag­ne­negosyo, lalo kang bubu­we­nasin. Ito ang mensahe para sa iyo. Masuwerteng ku­­lay-green. Tips sa lotto-19-20-23-26-35-44.

Comments


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page