Ginagamit sa smuggling, pagkalat ng droga.. Courier services, bantayan
- BRT
- Dec 11, 2019
- 1 min read

Lalong lumala ang smuggling sa bansa dahil umano sa pagkalat ng mga fly-by-night courier service sa bansa.
Dahil dito, inihain ni Rep. Jose Lito Atienza ng Buhay Partylist ang House Resolution No. 481 upang imbestigahan ang paglaganap ng mga unregistered courier na posibleng malagay sa panganib ang publiko.
Kamakailan, nang ibulgar ng Philippine Drug Enforcement Agency (PDEA) na tumaas ng 775 percent noong 2018 kumapara noong 2017 ang idine-deliver na illegal drugs sa pamamagitan ng courier service.
Ito rin umano ang dahilan kung bakit maraming overseas Filipino workers (OFWs) ang nabibiktima ng freight at courier services dahil karamihan sa freight companies ay walang kailangang lisensiya mula sa Department of Information and Communications (DICT). Ikinatuwiran pa ni Atienza na dating may kontrol sa mga courier service ang Department of Trade and Industry (DTI) ngunit, inilipat na ang pangangasiwa sa DICT sa ilalim ng Postal Regulations Division.
Gayunman, pagdating ng E-Commerce, marami umanong courier services ang walang humpay na nag-operate ng kanilang negosyo dahil sa kakayahang kumita nito.
Aniya, aminado ang DICT na ang modern information at communications technology ang ginagamit ngayon ng mga mapagsamantalang dayuhang couriers.
Kaugnay nito, layunin ni Atienza na makabuo ng batas upang ma-regulate ang courier services industry sa bansa upang sugpuin ang smuggling at protektahan ang mga konsiyumer, kabilang ang mga OFW at maging ang legitimate players ng naturang industriya.





Comments