top of page
WINNER - DEREK- ‘DI AKO NAGDA-DRIVE NG CAR NA MAY FAKE PLATES_IG _ramseyderek07.jpeg

Du30: “Maligaya ang pasko ng SEA Games medalist!”

  • Gerard Arce
  • Dec 11, 2019
  • 2 min read

Matapos ang mga hirap at sakripisyo ng bawat atletang Filipino, nararapat lang na bigyan ang mga ito ng papuri at insentibo sa naging matagumpay na pagho-host ng Pilipinas sa 30th Southeast Asian Games.

Ngayong araw na ito magtatapos ang biennial meet at malalaman na rin ang opisyal na bilang ng mga gold medal na nahakot ng bansa sa inaabangang ikalawang overall title sa SEAG.

Dahil dito ay nakatakdang makipagharap ni Pangulong Rodrigo Roa Duterte sa mga miyembro ng National Team sa Dis. 18 sa Malacañang Palace. Nakahandang makatanggap ng insentibong nagkakahalaga ng P300,000, P150,000 at P60,000 ang mga nagsipagwagi ng ginto, pilak at tansong medalya, ayon sa pagkakasunod, alinsunod sa Republic Act 10699. But wait, there’s more!

Daragdagan ni Duterte P250,000 para sa gold, P150,000 para sa silver at P100,000 para sa bronze medalist. “We were all hoping and praying for this, but it is still a sweet surprise now that it is actually happening. I am so proud of our athletes. All of them deserve our respect and love,” pahayag ni Philippine Sports Commission (PSC) chairman William “Butch” Ramirez, na siya ring Chef de Mission ng pambansang delegasyon.

Sa ngayon ay nalampasan na ng bansa ang 2005 Miracle SEAG edition na humakot ang bansa noon ng 112 golds, 85 silvers at 93 bronzes medals para sa kauna-unahang overall championship ng bansa. At ngayon 3:30 p.m. habang isinusulat ito ay mayroon ng nakokolekta itong 140 gold medals kasama ang 105 silvers at 108 bronze medals.

Gumastos ang ahensiya ng mahigit sa P1.5 billion para pondohan ang training, exposure at preparation requirements ng mga atleta. Sinabi ni Ramirez na sila ay sumugal para mas magpursige ang mga atleta na pagbutihan ng doble ang kanilang mga gagawin at kampanya sa SEAG. Bilang parte ng kanilang suporta ay ipinaayos pa ang mga pasilidad at gaganapan ng mga laro para sa mga atleta.

Comments


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page