Buking sa text.. Kabit ni misis, todas kay mister

Pinagbabaril hanggang sa mapatay ng mister ang sinasabing kalaguyo ng kanyang misis sa Bgy. Mayrakit, San Juan, Batangas.
Batay sa imbestigasyon nina PCMS Reynaldo Briones at PSSg. Raul Mandocdoc, alas-12:40 ng tanghali, sakay sa kanyang kotse ang biktimang si ‘Edgar’, 58, may asawa, ng Bgy. Sico 1st., nang sundan ng pampasaherong tricycle lulan ang suspek na si Ramil Remo, 54, may asawa. Pagtapat nito sa bintana ng sasakyan ng biktima, agad umano itong binaril hanggang sa mapatay bago tumakas.
Sa follow-up operation, agad namang nasakote ang suspek. Bago naganap ang krimen, nabasa umano nito ang text message ng asawa nito sa biktima na magkikita sila sa isang gasolinahan kaya sinundan at nagpositibo sa hinala.





Comments