Akala birthday party lang.. Edad 11-18, ibinugaw sa condo

Photo: Abs-cbn News
Nasagip ng mga ahente ng National Bureau Investigation-Anti Human Trafficking Division ang 14 na babae kabilang ang 10 menor-de-edad na ibinubugaw sa isang condominium, kamakalawa ng gabi sa Malate, Manila.
Ayon kay Atty. Janet Francisco, ng NBI, nasa edad 11-18 ang mga nasagip na babae na nakaipon lamang sa loob ng isang kuwarto.
Bandang alas-6:00 ng gabi nang isagawa ang pagsalakay.
Dalawa namang bugaw na mga babae ang dinakip pero, hindi pa pinangalanan dahil iniimbestigahan pa ng NBI.
Nadiskubre ang pinagkakanlungan ng mga babae nang magpanggap na parokyano ang mga ahente ng NBI.
Ayon sa isa sa mga nasagip, inakala nilang birthday party lang ang pupuntahan habang ang isa naman ay dati nang nakunan ng video na nakikipagtalik sa kliyente at kumalat pa sa social media.
Dadalhin ang mga menor-de-edad sa Department of Social Welfare and Development.
Sasampahan naman ng kaukulang kaso ang dalawang bugaw.





Comments