Tatama sa lotto ‘pag tumaya sa outlet na malapit sa tindahan ng karne at karinderya
- Maestro Honorio Ong
- Dec 10, 2019
- 2 min read
Dear Maestro, Tulad ng ibang humihingi sa inyo ng tulong, naisipan kong sumangguni sa inyo dahil gusto ko ring humingi ng mga masusuwerteng numero para makaahon kami sa kahirapan. Baon na baon kami sa mga pagkakautang ngayon dahil sabay-sabay na nag-aaral ang mga anak ko. Ano ang aking masusuwerteng numero, kulay, petsa at saang lotto outlet mapalad na tumaya? Sana ay matugunan n'yo ang kahilingan kong ito. October 6, 1973 ang birthday ko.
Umaasa, Mildred ng Santa Inez, Tanay, Rizal
Dear Mildred, Ang birth date mong 6 sa destiny number na 9 (10+6+1973=1989/ 19+89=108/ 10+8=18/ 1+8=9) sa zodiac sign na Libra ang nagsasabing ikaw ay likas na mapalad sa lahat ng mga numerong may mga sumatutal na 3, 6 at 9 tulad ng 12, 21, 30, 39, 15, 24, 33, 42, 18, 27, 36, 45 at iba pang mga kauri nito.
Kung makikipagsapalaran, magsuot ka ng masuwerte mong kulay na pula upang madali mong mahigop ang suwerte at magandang kapalaran. Secondary colors mo naman ang blue, purple at violet.
Bukod sa pula, ikaw din ay likas na masuwerte sa batong opal at sa lahat ng hiyas na kulay pula na maaaring ipalamuti sa gintong singsing o ipalawit sa kuwintas na nakadikit sa iyong balat.
Kusa namang iigting ang mabuting kapalaran mula sa ika-18 ng Enero hanggang sa ika-27 ng Pebrero, mula sa ika-18 ng Mayo hanggang sa ika-27 ng Hunyo at mula sa ika-18 ng Setyembre hanggang sa ika-30 ng Nobyembre.
Ayon sa pag-aanalisang tinuran, sa sandaling sinunod mo ang mga simpleng rekomendasyong nabanggit sa itaas, sa taong 2022 sa edad mong 49 pataas, sa lotto outlet na malapit sa tindahan ng karne ng hayop o malapit sa karinderya, malaking halaga ng salapi ang iyong maibubulsa.




Comments