Sugal dito, sugal doon, 'Pinas malapit nang maging bansa ng mga sugarol
AKSIYON NI MAYOR ABBY BINAY LABAN SA POGO, DAPAT GAYAHIN NG IBANG MAYOR—Tama ang desisyon ni Mayor Abby Binay na kanselahin at suspendihin ang permit ng Philippine Offshore Gaming Operators (POGOs) na pag-aari ng mga Filipino-Chinese dahil tumaas daw ang bilang ng krimen at prostitusyon sa lungsod na kinasasangkutan ng Chinese nationals na nagtatrabaho sa mga gambling firms na ito.
Kailan kaya gagayahin ng ibang alkalde ang aksiyon ni Mayor Abby laban sa POGO firms? Abangan!
◘◘◘
SA CAVITE, MAY POGO NA, MAY JUETENG PA—Ang matindi ay sa Cavite kasi bukod sa may POGO firm na, sa Kawit ay isang “Ariza” pa umano ang nagpapa-jueteng sa lalawigan.
Kaya ang tanong, bakit hinayaan ni Gov. Jonvic Remulla at mga opisyal ng Sangguniang Panlalawigan na gawing pugad ng mga magpo-POGO at maghu-jueteng ang kanilang lalawigan?
Kung anuman ang kanilang dahilan, silang mga nasa kapitolyo na lang ang nakaaalam, pwe!
◘◘◘
‘PINAS, BAKA MABANSAGANG “BANSA NG MGA SUGAROL” DAHIL SA POGO, JUETENG AT ONLINE SABONG—Hindi lang POGO at jueteng ang nagsusulputang parang kabute ngayon sa Pilipinas kundi pati “online sabong.”
Kapag hinayaan ni P-Duterte na mamayagpag ang mga pasugalang ‘yan, baka dumating ang panahon na mababansagan ang Pilipinas na “bansa ng mga sugarol”, boom!





Comments