top of page
WINNER - DEREK- ‘DI AKO NAGDA-DRIVE NG CAR NA MAY FAKE PLATES_IG _ramseyderek07.jpeg

Problema ng mga tindero sa Maynila, hinahanapan na ng solusyon

  • Isko Moreno
  • Dec 10, 2019
  • 1 min read

Nakipagpulong tayo noong Sabado, ika-7 ng Disyembre kasama ang mga vendors sa Arranque Market para dinggin ang kanilang mga panawagan.

Tulad ng nasabi natin, alam natin ang sitwasyon ng mahihirap kaya hindi tayo makapapayag na maagrabiyado sila, pero hindi rin tayo makapapayag na ang tanging idadahilan natin kung makakapang-apak tayo ng paa nang may paa ay ‘tayo ay mahirap’, mali rin ‘yun.

Hiling naman ng isa sa mga vendors, “Tulungan n’yo sana kami. Magpa-Pasko na, hindi kami makapagtinda, maghapon kami sa daanan. Nagbabayad naman kami ng municipal tax pero hindi namin alam na kailangan pa kaming may prangkisa.”

Maghahanap tayo ng solusyon sa mga suliraning ito sa lalong madaling panahon.

Ipinaliwanag naman ni Majority Floor Leader Joel Chua ang tamang proseso na dapat pagdaanan upang maituring na legal ang pagtitinda sa palengke.

“Ito ay nasa batas natin. Dapat ligtas ang taumbayan at mamimili, dahil sa oras na magkaaberya, ang alkalde ay magkakaroon ng pananagutan sa batas,” pahayag niya.

Nakikiusap din ako na makipagtulungan at makiisa tayo sa adhikain ng lungsod na maging mas maayos at ituwid ang mga maling nakasanayan.

Ang layunin ng pamahalaang lungsod ngayon ay maipakita at maramdaman ng taumbayan na may gobyerno na sa Maynila.

Comments


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page