top of page
BULGARY - SERYE NI COCO, INIREKLAMO SA MTRCB, TULOY PA RIN-IG _dreamscapeph.jpg

Pag-import ng vape products, bawal na — BOC

  • Jeff Tumbado
  • Dec 10, 2019
  • 1 min read

Ipinaiiral na ng gobyerno ang pagbabawal sa commercial importation o pag-aangkat ng vape products.

Ayon kay House Committee on Ways and Means Chairman at Albay Rep. Joey Salceda, hindi na pinapayagan ng Bureau of Customs (BOC) na makapasok ang mga machine o equipment at iba pang vape products.

Ikinakatwiran aniya ng BOC na maliban sa walang permit mula sa Food and Drug Administration (FDA), hindi na rin pinayagan ng National Tobacco Authority (NTA) ang importasyon ng vape products at kuwestiyunable sa Department of Trade and Industry-Product Standards.

Sinabi pa ni Salceda na maliban sa mga naharang na vape products, nasamsam din ang may 100 cartridges ng liquified marijuana na noon pa man ay walang permit para ipasok o gamitin sa bansa.

Kasabay nito, aminado si Salceda na hindi uubra ang total ban sa vape products dahil higit na nakapagdudulot ng banta sa kalusugan ang patagong pagbebenta ng vape products.

Ang kailangan aniya ay ma-regulate at mabuwisan nang mas mataas o ipantay sa halaga ng ipinapataw sa regular na sigarilyo ang vape products.

Binanggit ni Salceda na tinatrabaho na nilang gawing P45 per ML ang buwis sa vape at kapag naipatupad ito ay maaaring kumita ang gobyerno ng P2.8 bilyon kada taon.

Aabot umano sa isang milyon ang vapers sa bansa.

Comments


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page