top of page
BULGARY - SERYE NI COCO, INIREKLAMO SA MTRCB, TULOY PA RIN-IG _dreamscapeph.jpg

Mga kontraktuwal sa City Hall, gawin nang permanent

  • Mylene Alfonso
  • Dec 10, 2019
  • 1 min read

Nais nang tuldukan ang sistema ng kontraktuwalisasyon bilang tulong kay Pangulong Rodrigo Duterte.

Sa talumpati ni Mayor Francisco ‘Isko Moreno’ Domagoso sa regular flag raising ceremony sa city hall, sinabi nito na nais niyang sa Maynila magsimula ang unang tagapagpatupad ng kampanya para tapusin na ang ‘endo’.

Nabatid na may 500 empleyado na ang nai-promote mula noong Hunyo 30.

“‘Pag pinipirmahan ko appointment, hindi ako nagkakaroon ng kwentada sa kaisipan. Sa loob ng limang buwan, naging polisiya ko nang bigyang-prayoridad ang mga JO na maging permanent. Halos inaabot ako ng madaling-araw sa pagpirma,” ani Moreno.

Gusto ni Moreno na mapanatag ang kaisipan ng mga JO kung saan ang ilan sa kanila ay may 27 taon na sa serbisyo.

Tiniyak pa ng alkalde na patas ang kanyang magiging pagtingin sa pagbibigay ng promosyon sa mga empleyado kung saan prayoridad niya ang mga empleyado na matagal na sa serbisyo.

Comments


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page