top of page
BULGARY - SEN. ROBIN, MAY P150 M AMBAG SA PHIL. FILM HERITAGE, BUILDING ‘DI PA RIN NATAPOS

Kristina knott, binura na ang 33 yrs. record ni Lydia De Vera sa women's run

  • Ka Ambo
  • Dec 10, 2019
  • 2 min read

Naganap na ang inaasahan.

We won as one!

◘◘◘

NATAMEME ang mga kritiko ng 30th Southeast Asian Games.

Nagsalansan ang Pilipinas ng 113 gold medals sa ika-9 na araw ng kompetisyon.

Ito ay upang matiyak ang overall championship ng biennial meet!

◘◘◘

PORMALIDAD na lang ang paggagawad ng karangalan bilang kasapi ng Southeast Asia ang Pilipinas sa larangan ng sports.

Nasaan ang kaldero at kikiam?

◘◘◘

NAPANTAYAN at nabura ang gold medal records noong 2005 SEA Games nang mag-host ang Pilipinas kung saan tayo rin ang nagkampeon.

Determinado at inspirado ang mga atletang Pinoy dahil sa pagsisinop at pagsisikap ng mga sports officials!

◘◘◘

INAASAHAN ang karagdagan pang gold medals na magmumula sa boxing na paborito ng mga Pinoy.

Wala nang duda, angat na angat ang Pinoy sa biennial meet!

◘◘◘

KUNG sinisisi si PHISGOC Chairman Alan Peter Cayetano bago magsimula ang kompetisyon, bakit tameme ang mga kritiko ngayon?

Hindi ba, dapat pasalamatan at kilalanin ang pagsisikap ng mga organizers kaya naging inspirado ang mga manlalarong Pinoy?

◘◘◘

MARAMING ahensiya ng gobyerno ang kabalikat ng PHISGOC, dapat din silang kilalanin at parangalan.

Mahalaga rin ang naging papel ng DPWH at BCDA sa pagpapaganda ng mga pasilidad!

◘◘◘

MAKAKATULONG sa turismo ang matagumpay na pagdaraos ng SEA Games sa bansa.

Sa Pilipinas isasagawa, partikular sa Aquatic Center sa New Clark City sa Tarlac ang isang international swimming competition na lalahukan ng 50 bansa.

Dolyar ang papasok sa kaban ng bayan mula sa sports tourism!

◘◘◘

NAKAPAGTALA ng mga record breaking moments sa 30th SEA Games ang mga atleta.

Kabilang dito si Kristina Knott na binura ang national record ni Lydia de Vega sa 200m women’s run na kanyang pinagreynahan sa loob ng 33 taon!

◘◘◘

TINAPOS din ng PH men’s volleyball team ang paghahari ng Thailand sa SEA Games volleyball event.

Ang panalo ni Surfer Roger Casugay ng gold medal matapos iligtas ang karibal na Indonesian surfer sa peligro ay napakahalagang kontribusyon sa diwa ng sportsmanship!

◘◘◘

MALINAW na malinaw.

We won as one!

Comments


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page