top of page
Pokwang.jpg

Jail officer, patay sa sunog

Levi Gonzales
Dec 10, 2019
1 min read

Matinding pinsala ang tinamo ng isang opisyal ng Bureau of Jail Management and Penology makaraang ma-trap sa sunog sa Bgy. San Jose, Antipolo City, Rizal.

Batay sa report, alas-4:55 ng hapon nang magsimula ang sunog sa bahay ng biktimang si J/Supt. Greg Sibug, 47, nakatalaga sa National Headquarters.

Dala marahil sa kapal ng usok at mabilis na pagkalat ng apoy kaya hindi nakalabas ang biktima.

Agad namang rumesponde ang mga bumbero at pinilit pang maisalba ang biktima saka dinala sa pagamutan.

Gayunman, idineklara itong dead-on-arrival.

Patuloy namang inaalam ang sanhi ng insidente at halaga ng pinsala.

Comments


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page