top of page
Bea Alonzo - IG.jpg

Hindi na habulin ng babae… John Lloyd, mukha nang matanda; Tatay na tatay ang dating

Beth Gelena
Dec 10, 2019
1 min read

Beth Gelena / Bulgary Files

Photo: @iamleeromeo

Mukhang nahihilig ngayon si John Lloyd Cruz sa pa­­gi­ging artist kesa makihalubilo sa mga artista. Kama­kailan lang ay nakipag-jamming ang aktor sa dalawang artists na sina Dong Abay at Marcus Adoro.

Sa mga kuhang larawan ay enjoy na enjoy si JLC. Pero ang mga netizens ay pa­wang negatibo ang ko­mento sa aktor. Ayaw nilang maging sobra ang closeness ng ak­tor sa dalawang artists.

Ani ng isang netizen, “Naku, JL, luma­yu-layo ka d’yan kay Marcus.”

Ang iba naman ay nagsasabing akala nila ay tuluyan nang nagbago ng aura ang aktor nang makita ang picture ni JL sa kasal ni Vhong Navarro.

“Hindi pa rin pala siya nagbago, ga­nu’n pa rin ang hitsura niya.

“Sana, ipina-shave na lang ang kan­yang head. Tuloy, trying hard artist ang dating niya.”

Mukha na raw talagang matanda nga­yon si John Lloyd at tatay na tatay na, wa­la na ‘yung bakas ng pagi­ging heart­throb nito noon sa mga movies nila ni Bea Alonzo at ni Sarah Geronimo.

Ayon naman sa mga diehard fans ni John Lloyd, sana raw, next year ay tuluyan nang bumalik sa showbiz ang ka­nilang idolo.

 
 
 

Comments


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page