Para talagang merry ang Christmas… Pagpapatunog ng maliliit na bell, barya at kutsara’t tinidor epek
- Sr. Socrates Magnus II
- Dec 9, 2019
- 2 min read
Bigyang-daan natin ang pagpapatuloy kung paano bubuwenasin ngayong Kapaskuhan.
May isa pang simpleng paraan para magdagsaan ang mga suwerte ngayong Kapaskuhan. Ito ay ang pagpapatunog sa munting bell o maliit na kampana. Puwedeng-puwede rin ‘yung bell na ginagamit sa pagtitinda ng ice cream.
Kapag pinatunog ito, ang mga suwerte ay masayang magsisilapitan sa iyo dahil mahahatak nito ang mga suwerte sa paligid.
Ang mga suwerte ng iba na hindi naman nila pinakikinabangan ay lilipat sa iyo, gayundin ang suwerte ng mga taong hindi pinahahalagahan ang mga kaloob sa kanila ng kapalaran.
Gayundin, mapasasaiyo ang mga biyaya na inimbak lang ng may-ari na nilulumot na dahil sa pagkakatago nang matagal.
Kung walang mahanap na bell, puwede kang mag-improvise. Kumuha ka ng maliit na lata at ilagay mo ang maliit na bato, saka mo patunugin. Puwede ka ring gumamit ng barya, ilagay lang ito sa iyong mga kamay at alugin para tumunog at puwede mo rin itong ilagay sa isang lalagyan at alugin.
Ang simpleng pagtapik ng mga daliri sa mesa o silya ay puwedeng maging panghatak ng suwerte, ganundin ang pagpadyak ng mga paa sa sahig.
Maaari ring gamitin ang kutsara at tinidor saka patunugin ang porselanang plato. Puwede ring gamitin ang kutsara at tinidor sa pagtapik nang mahina sa babasaging baso.
Ang pagpapatunog sa mga bagay na nasa itaas ay dapat gawin sa masayang paraan kaya hindi puwede na ang tunog ay tunog ng malungkot na musika.
Hindi naman mahirap gawin ang mga nasa itaas at kahit hindi ka naniniwala ay hindi masama na sundin mo ang mga ito, lalo na ang instruksiyon ay masayang pagpapatunog.
Gusto mo bang suwertehin ngayong Kapaskuhan? Gawin mo na dahil madali lang naman.
Good luck and God bless!




Comments