Nakaligtas sa lindol kahit pinuluputan ng lupa, sign na makaka-survive sa mga problema sa negosyo
Salaminin natin ang panaginip ni Dina ng Dina_Ronald@ facebook.com
Dear Professor, Nanaginip ako na lumindol, tapos ‘yung lupa ay parang pumupulupot sa amin kaya nanalangin ako at nakaligtas kami. Ano ang ibig sabihin nito?
Naghihintay, Dina
Sa iyo, Dina, Ang paglindol ay tinatawag na act of nature, ibig sabihin, hindi kontrolado ng tao ang nangyayari sa kalikasan. Ang panaginip ay nagsasabing makararanas kayo ng mga pangyayaring hindi n’yo kontrolado.
Sa buhay ng mga negosyante, ang pagtaas ng presyo ng mga produkto ay hindi nila kontrolado, gayundin ang pagtaas at pagbaba ng halaga ng peso at kabilang din ang antas ng interest na ipinapataw ng mga bangko.
Hindi rin kontrolado ng mga negosyante kung marami o wala ang produkto na gawa ng mga kumpanya. Ang pagtaas ng halaga ng kuryente at tubig ay hindi rin nila kontrolado. Marami pang bagay na may kinalaman sa kanilang negosyo na sa totoo lang ay wala silang kakayahang pigilan kung ano ang magiging kalagayan.
Tulad ngayon, napakalikot ng takbo ng merkado kaya nahihirapan ang mga negosyante. Pero ayon sa panaginip mo, sa tulong ng langit ay makaka-survive kayo.
Kaya ang payo sa iyo ay keep on praying because your God is always listening.
Hanggang sa muli, Professor Seigusmundo del Mundo





Comments