Mula Cavite pa-Maynila.. Libreng water jeepneys, bumiyahe na — DOTr
- Gina Pleñago
- Dec 9, 2019
- 1 min read

Photo: Department of Transportation - Philippines
Magbibigay ng libreng pagsakay sa publiko sa water jeepneys mula Cavite City hanggang Maynila at pabalik nang isang buwan.
Ito ang inihayag ng Department of Transportation (DOTr) kasabay ng paglulunsad nito ngayong araw.
Ayon kay DOTr Sec. Art Tugade, pumayag ang dalawang shipping company na Seaborne Shipping Company Inc. at Shogun Ships Co., Inc. na ilibre ito sa mga mananakay sa pagsisimula ng operasyon nito.
Ito ay bilang pamaskong handog ng DOTr, MARINA, PCG, PPA at lokal na pamahalaan ng Cavite.
Katuwang ang iba’t ibang ahensiya ng pamahalaan, layunin ng Cavite-Manila Ferry route na bigyan ng alternatibong transportasyon ang ating mga kababayang Caviteño. Ani Tugade na magsisimula ang libreng sakay ngayong araw, Disyembre 9, hanggang Enero 9, 2020.
Sa pamamagitan ng water jeepneys, ang kasalukuyang tatlo hanggang apat na oras na biyahe mula Maynila hanggang Cavite at pabalik ay magiging 15-20 minuto na lamang.





Comments