top of page
Bea Alonzo - IG.jpg

Horoscope | Disyem­bre 9, 2019 (Lunes)

Maestro Honorio Ong
Dec 9, 2019
2 min read

Bulgar Horoscope

Sa may kaarawan ngayong Disyem­bre 9, 2019 (Lunes): Ipanatag mo ang iyong kalooban, gaanuman kalaki ang mga pagsubok mo sa buhay, malalampa­san mo rin ito. Ito ang kahulugan ng araw ng iyong kapanganakan.

ARIES (Mar. 21-Apr. 19) - Tatag ng kalo­oban ang pina­kamalakas mong sandata sa kapalaran. Ituloy mo kung ano ang iyong ambis­yon at huwag kang kuku­rap, panatilihin mong naka­tutok ka at tiyak na hindi ka mabibigo. Masu­wer­teng kulay-white. Tips sa lotto-19-20-24-39-35-42.

TAURUS (Apr. 20-May 20) - Banga o anumang ba­gay na gawa sa pinatigas na putik o lupa ang pinakamabisang pampa­suwerte mo. Simpleng hipuin mo lang ito at ang mga suwerte mo ay mag­sisilapit sa iyo. Masuwer­teng kulay-green. Tips sa lotto-7-10-13-15-26-33.

GEMINI (May 21-June 20) - Kuwintas o personal na pagpapaganda na nakabi­tin sa leeg mo ang iyong pampabuwenas. Ilabas mo na ang nakatagong alahas mo para mapasaiyo ang mga kahilingan mo. Masu­werteng kulay-yellow. Tips sa lotto-16-27-29-36-42-44.

CANCER (June 21-July 22) - Maaaring hindi ka mani­wala, pero kailangan mong malaman na kapag hinaya­an mong pumatak ang mga luha o pawis sa pisngi mo, ang mga suwerte ay mabilis na mapasasaiyo. Masuwerteng kulay-purple. Tips sa lotto-9-11-18-21-23-33.

LEO (July 23-Aug. 22) - Si­kat ng Haring Araw ang iyong pampabuwenas. Malala­king suwerte ang mapasa­saiyo na inunahan mo ang araw sa paglabas sa sila­ngan ngayong araw. Gumising ka nang maaga. Masuwer­teng kulay-pink. Tips sa lotto-19-22-24-26-35-38.

VIRGO (Aug. 23-Sept. 22) - Lumang gamit ang iyong pam­pabuwenas, ga­mitin mo ito at matata­wa ka dahil ang mga bago at usong kagamitan ay mapasasaiyo. Ito ang men­sahe para sa iyo. Masu­wer­teng kulay-beige. Tips sa lotto-14-16-20-22-23-35.

LIBRA (Sept. 23-Oct. 22) - Bagong damit ang iyong pam­pasuwerte. Huwag ka nang magdalawang-isip pa. Kahit medyo malayo pa ang Pasko, bumili ka ng bagong damit at gamitin mo na ngayon. Masuwer­teng kulay-black. Tips sa lotto-1-17-29-31-32-34.

SCORPIO (Oct. 23-Nov. 21) - Bakal o matigas na ba­gay ang iyong pampabu­we­nas. Kumuha ka ng maliit na magnet at ilagay mo sa iyong wallet. Ito ang mag­sisilbing panghatak mo ng mga suwerte na nasa iyong pali­gid. Masuwerteng kulay-violet. Tips sa lotto-5-14-17-20-21-23.

SAGITTA­RIUS (Nov. 22-Dec. 21) - Titi­gan mo lang ang asul na langit at puwede mo itong sabayan sa pagsasabi ng iyong mga kahilingan. Hintayin mo at tiyak na mapasasakamay mo ang mga ito. Masuwerteng kulay-peach. Tips sa lotto-14-15-22-26-33-37.

CAPRICORN (Dec. 22-Jan. 19) - Ilabas at iyong gamitin ang lumang orasan na iyong iniingatan. Hindi naman ito sira dahil ito ay guma­gana pa. Kapag ito ay suot mo, ang magagan­dang kapalaran ay da­rapo sa iyo. Masuwer­teng kulay-red. Tips sa lotto-6-11-12-26-30-31.

AQUARIUS (Jan. 20-Feb. 18) - Banayad at malamig na hangin ang darapo sa iyong mukha ang nagsasabing, kung ano ang gusto mo ngayong Kapaskuhan ay mapasasaiyo. Ito ang mensahe ng iyong ka­palaran. Masuwer­teng kulay-brown. Tips sa lotto-5-11-15-26-33-38.

PISCES (Feb. 19-Mar. 20) - Ihakbang mo ang iyong mga paa kahit wala kang tiyak na pupuntahan. Puwede ka ring maglakad-lakad kahit nasa bahay ka. Sa ganitong paraan, tiyak na bubuwenasin ka. Masuwerteng kulay-white. Tips sa lotto-9-17-20-24-33-37.

Comments


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page