top of page
SPECIAL ARTICLE - “MUNTIK NA AKONG MAMATAY KAYA DESERVE KO ‘TO!” - HEART-IG _iamhearte.jpg

Duda sa babaerong ka-live-in, kita sa palad kung pang-forever na sila

  • Maestro Honorio Ong
  • Dec 9, 2019
  • 2 min read

Maestro Honorio Ong

Katanungan

  1. May kinakasama ako at pareho kami na dati nang may asawa, pero hiwalay na kami sa mga asawa namin. May mga anak din kami sa una naming mga asawa, pero okay naman ang pagsasama namin, maliban lang sa mga obligasyon namin sa mga anak namin.

  2. Noong una ay magulo ang aming pagsasama, pero okay na ngayon kahit minsan ay nagtatalo kami. Hindi naman ‘yun nawawala sa relasyon at sa katunayan, limang taon na kami noong November 25. Sa kabila nito ay hindi pa ako gaanong kampante dahil dati siyang babaero, pero mula raw nang makasama niya ako ay nagbago na siya.

  3. Gusto kong basahin n’yo ang guhit ng aming mga palad kung hindi na ba kami magkakahiwalay at kami na ang magsasama habambuhay?

Kasagutan

  1. Dalawa ang Marriage Line sa kaliwang palad (Drawing A. 1- M at 2-M arrow a. at b.) ng ka-live-in mo, habang iisa lang ang Marriage Line sa kanan niyang palad (Drawing B. 1-M arrow c.) at kapansain-pansin din ang pagiging kaunti ng guhit sa kanyang palad.

  2. Ibig sabihin, totoo at tama ang kanyang sinabi na kung nambabae man siya noon ay noon ‘yun, pero ngayon ay tunay ngang nagbago na siya. At kung sakali mang mambabae siya, hindi ‘yun magiging seryoso, sa halip, ang tunay na seseryosohin niya ay ang huli na kanyang makakasama. At dahil dalawa ang marriage line sa kaliwa at iisa lang sa kanang palad niya, ito ay patunay na habambuhay na siyang magiging tapat sa iyo.

  3. Kumbaga, ang dalawang Marriage Line ay nakatakda sa buhay niya (arrow a. at b.) at nangyari na nga, pero nang nagkaedad na siya at nakilala at nakasama ka nang matagal, naisip din niyang manatili na lang siya sa iisang karelasyon at dahil nagdesisyon na siya na ikaw ‘yun, umasa kang sobrang laki ng tsansa na magiging panghabambuhay na ang inyong samahan.

  4. Samantala, halos ganu’n din ang Marriage Line sa kaliwa at kanan mong palad, Mayla, kung saan nag-aanyong parang dalawa sa kaliwang palad (Drawing B. arrow a. at b.), subalit, naging parang “overlapping” na iisang Marriage Line (1-M arrow b.) sa kanang palad. Ibig sabihin, bagama’t ikalawang pag-ibig o pag-aasawa mo na rin ang kasalukuyan mong live-in partner, masasabing nagdesisyon ka na kung sino ang makakasama mo. At siya ay ang kasalukuyan mong kinakasama, gayundin, liligaya kayong dalawa, habambuhay.

Dapat Gawin

Mayla, wala kang dapat gawin kundi ipayapa mo ang iyong isipan sapagkat ayon sa iyong mga datos, tiyak ang magaganap, kayo na ng kasalukuyan mong kinakasama ang magsasalo sa maunlad at panghabambuhay na pagmamahalan na inilaan ng iyong kapalaran.

Comments


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page