top of page
BULGARY - SERYE NI COCO, INIREKLAMO SA MTRCB, TULOY PA RIN-IG _dreamscapeph.jpg

Dating sexy star na nakasama noon sa movie ang ipinalit sa madir ng 2 anak… Priscilla Almeda, bagong

  • Julie Bonifacio
  • Dec 9, 2019
  • 1 min read

Photo: @jomariyllana (left)

Umamin na si Parañaque City Councilor Jomari Yllana sa bagong babae sa buhay niya na tinu­tukoy ng dati niyang ka-live-in at ina ng dalawa niyang anak na si Joy Reyes.

Ang tinutukoy namin ay ang dating sexy star na si Priscilla Almeda. Pero bago ‘yun, una siyang nakilala bilang ang teen star na si Abby Viduya at ipinakilala sa pelikulang Gwapings na pinagbidahan nina Mark Anthony Fernandez, Eric Fructuoso at Jomari. Dito nagkakilala at nagkainlaban sina Jomari at Abby.

Sa report na lumabas, may asawa at tatlong anak si Abby, pero nilinaw ng aming source na hindi kasal sa ama ng kanyang mga anak ang dating sexy star.

Habang si Jomari naman ay matagal nang annulled ang kasal kay Aiko Melendez. Kaya sa true lang, pu­we­deng-puwedeng magpakasal sina Jomari at Abby.

Ayon pa sa aming source, aware si Abby na madalas tawagan ni Joy ang dating karelasyon ng former sexy star. Ang siste, sinisiraan daw ni Joy si Abby sa kanyang former lover.

Dahil d’yan, lumilinaw na mahal na mahal pa rin ni Joy si Jomari at ang pagra-rant niya sa social media against the Parañaque City councilor ay maaaring bunsod ng matinding selos.

Baka hoping siya na kapag nasira at nadurog niya si Jom ay bumalik sa kanya ang aktor-pulitiko.

Ganern?

 
 
 

Comments


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page