top of page
BULGARY - SERYE NI COCO, INIREKLAMO SA MTRCB, TULOY PA RIN-IG _dreamscapeph.jpg

Bus nahulog sa bangin, 21 nadale

  • Jeff Tumbado
  • Dec 9, 2019
  • 1 min read

Photo: Abs-cbn News

Nasa 21 katao ang sugatan sa pagkahulog ng kanilang sinasakyang pampasaherong bus sa bayan ng Catmon sa lalawigan ng Cebu.

Dinala sa magkakahiwalay na pagamutan ang mga biktima na nagtamo ng mga galos at pasa sa iba’t ibang parte ng kanilang katawan.

Batay sa report ng Catmon Municipal Police, sangkot sa nasabing insidente ang Ceres Bus Line na naganap sa bahagi ng Bgy. Panalipan, pasado alas-7:00 kahapon ng umaga.

Galing umano sa bayan ng Tabogon ang bus at papunta sa North Bus Terminal sa Mandaue City nang mahulog ito sa bangin.

Ayon sa driver ng bus na si Iglecerio Landero, bigla na lang tumagilid ang kanyang minamanehong bus at nawalan siya ng kontrol sa manibela.

Napunta ang bus sa kabilang lane at nabangga sa isang kahoy bago tuluyang nahulog sa bangin.

Sabi ni Landero, hindi overloaded ang bus at mabagal lamang ang kanyang takbo.

Kakasuhan ng reckless imprudence resulting in multiple physical injuries ang driver ng bus habang sasagutin naman ng kumpanya ang pagpapagamot sa mga nasugatan.

Comments


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page