Bagong pambato ng show ni Willie… Sugar, sapaw na kay Hipon Girl

Malayo pa ang mararating sa mundo ng showbiz ng Wowowin co-host na si Herlene Budol a.k.a. Hipon Girl.
Hinasa na siya nang husto sa Wowowin. Marunong siyang kumanta at sumayaw. May timing siya sa comedy at kaya rin niyang mag-drama. Katunayan, napakataas ng rating ng Magpakailanman nang siya ang gumanap sa role ng OFW na si Jenny.
Kinabog at inilampaso niya si Julia Barretto nang magkatapat ang Magpakailanman at Maalaala Mo Kaya. Natural actress si Hipon Girl.
Gustung-gusto ng Wowowin viewers ang kanyang pagpapakatotoo on and off cam.
Nakita rin ng Wowowin host na si Willie Revillame ang potensiyal ni Hipon Girl na sumikat kaya inalalayan niya ito at hinasa sa pagho-host at mukhang kakabugin na niya ang mga co-hosts na sina Sugar Mercado at Donita Nose.
Kung sina Sugar at Donita ay may talent sa hosting at singing, si Herlene, bukod sa hosting, kumakanta, sumasayaw at nakakaarte pa!
Keri niyang mag-comedy at mag-drama kaya naman si Hipon Girl na ngayon ang pambandera ng Wowowin kapag kailangan ng promo.





Comments