top of page
WINNER - DEREK, ENDORSER NG ONLINE GAMBLING-IG _ramseyderek07.jpg

‘Pinas, taghirap na rin sa isda, anyare?!

  • Pabs Hernandez III
  • Dec 9, 2019
  • 2 min read

ARCHIPELAGO ANG ‘PINAS PERO NAG-AANGKAT NG GALUNGGONG—Nagdesisyon na ang Duterte gov’t. na mag-angkat ng galunggong sa ibang bansa dahil sa kakapusan ng supply ng GG kaya nagmahal ang presyo nito na pumalo na sa P300 per kilo.

Hay, naku, naturingang archipelago ang Pilipinas, pero nag-aangkat ng isda sa ibang bansa.

‘Anyare sa Pilipinas?

◘◘◘

HINDI LANG DROGA ANG PROBLEMA NG MGA PINOY KUNDI PATI ANG ILALAMAN SA SIKMURA—Bukod sa archipelago, kilala rin ang Pilipinas sa mayaman nitong agrikultura, pero ang masaklap ngayon, nag-aangkat din ng bigas ang kasalukuyang gobyerno.

Mahalaga ang isda at bigas dahil ito ang madalas na inihahain sa hapag-kainan ng pamilyang Pinoy kaya sana ay masolusyunan na agad ng gobyerno ang mga problemang ito at hindi ‘yung bukambibig ng pangulo ay tokhang sa mga adik at tulak kasi hindi lang droga ang problema ng bansa kundi pati ang ilalaman sa sikmura, period!

◘◘◘

MGA BANSA SA SOUTHEAST ASIA, MALAMANG NAIMBIYERNA SA ‘FAKE NEWS’ NI CAYETANO NA ‘DA BEST SA SEA GAMES HOSTING ANG ‘PINAS—Aminin man o hindi ng ibang bansa sa Southeast Asia, tiyak na nainis sila sa ipinagmayabang ni Speaker Alan Peter Cayetano, chairman ng Philippine Southeast Asian Games Organizing Committee (PHISGOC) na “Best SEA Games Organizer” ang ‘Pinas sa ilalim ng kanyang pamumuno, boom!

◘◘◘

DAPAT GISAHIN NI GEN. SINAS SINA COL. NASDOBAN AT COL. CEJAS SA JUETENG SA KANILANG JURISDICTION — Isang “Dong Buyer” daw ang may pa-jueteng ngayon sa Balintawak at sina “Dennis”, “Narlie” at “Florencio” ang may kontrol naman ng ganitong raket sa Susano, Novaliches, kapwa sa Quezon City.

Dapat siguro, ipatawag at kuwestiyunin ni NCRPO Director Gen. Debold Sinas sina QCPD-Stn. 1 Commander Lt. Col. Camlon Nasdoban at QCPD-Stn. 4 Commander Lt. Col. Rossel Cejas kung bakit “nganga” lang sila sa raket ng mga ilegalistang ito sa kanilang jurisdiction? Period!

Comments


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page