Titser, sapol din.. OFW niratrat ng riding-in-tandem, utas

Dead-on-the-spot ang 30-anyos na overseas Filipino worker (OFW) habang nasa kritikal na kondisyon ang kasamang guro matapos silang pagbabarilin ng riding-in-tandem sa Lucena City.
Kinilala ang mga biktima na sina Marvin Mendoza, OFW at ang guro na si Roxanne Reyes, 36, na ginagamot sa ospital matapos magtamo ng tama ng bala ng baril sa katawan.
Ayon sa Lucena City Police Office, pasado alas-10:00 kamakalawa ng gabi, lulan umano ang mga biktima sa motorsiklo na minamaneho ni Mendoza habang pauwi na sila galing sa isang pagtitipon.
Gayunman, pagsapit sa Bgy. Salinas ay dito na sila sinabayan at tinabihan ng riding-in-tandem saka pinagbabaril.
Nabatid na huminto pa ang mga suspek at nilapitan ang mga biktima na nakasubsob na sa lupa at malapitan pang binaril si Mendoza bago nagsitakas.
Inaalam pa ng mga awtoridad kung sino ang mga nasa likod ng krimen at ano ang motibo.





Comments