Pinoy, humihina na sa Ingles, gobyerno gising!
- Ka Ambo
- Dec 8, 2019
- 2 min read
Naniniwala si Sen. Imee Marcos na panahon na para mabahala o mag-panic ang gobyerno.
Ito ay dahil sa ulat na kulelat ang Pilipinas sa isinagawang “pagsusulit” na may kaugnayan sa “reading comprehension” sa 79 na bansa sa daigdig.
Pero, nilinaw ni Sen. Imee na ang “pagsusulit” ay ginawa sa lengguwaheng Ingles.
Siyempre, mahihirapang makaporma ang mga Pinoy!
◘◘◘
MALINAW na ang impormasyon na natutunghayan sa media ay dapat nililinaw at sinusuri munang mabuti bago bigyan ng kahulugan.
Dapat ding ibunyag kung saan kumuha ng “estudyante” o sinu-sino ang isinailalim sa pagsusuri.
Saan sila pumulot ng sasagot sa reading comprehension?
◘◘◘
AYON sa senadora, mas mainam kung ginamit ang lengguwaheng Filipino sa pagsusulit at saka sinukat ang kakayahan sa “pang-unawa”.
Hindi ang “pag-unawa” ang problema sa resulta ng pagsusulit, bagkus ay ang ginamit na lengguwahe!
◘◘◘
KUNG lengguwaheng Filipino ang ginamit sa “sample test”, tiyak na mababago ang resulta ng naturang survey.
Ibig sabihin, hindi “reading comprehension” ang sinukat, bagkus, ang kakayahan sa pag-unawa sa Ingles.
Malinaw kung gayun na naiiwan ang Pilipinas sa pag-unawa sa Ingles, imbes na pag-unawa sa binabasa.
Magkaiba ‘yan!
◘◘◘
ISINAGAWA ang 2018 test ng Program for International Student Assessment (PISA) sa 15-year-old students.
“Wake up, DepEd, DOH, DSWD and other agencies concerned! It’s panic time to get your act together,” kalampag ni Sen. Imee!
◘◘◘
AYON kay Sen. Imee, “We can argue that the Philippines might have done better if the PISA test were in Filipino instead of English, but what has become of the government’s education and nutrition programs on paper?”
“Brain development is not just about getting a proper education but also the proper nutrition early in life.”
Tama ang senadora, dapat tayong mag-isip ng may kaugnayan sa edukasyon.
Mahalagang aspeto ito ng pag-unlad ng mamamayan at bansa!





Comments