Mga aeta, ibinida sa SEA Games, pinalalayas na ngayon
GOBYERNO, DAPAT SISIHIN SA PAGPALO NG PRESYO NG GALUNGGONG — Sa totoo lang, gobyerno ang dapat sisihin sa kakapusan ng supply ng galunggong kaya pumalo ang presyo nito sa P300 per kilo.
Ito ay dahil pinayagan ng kasalukuyang gobyerno ang mga Chinese na mangisda sa dagat na sakop ng Pilipinas, tapos ang China gov’t. naman, pinagbabawalan ang mga mangingisdang Pinoy na pumunta sa sentro ng laot ng West Philippine Sea (WPS), saklap!
◘◘◘
MGA AETA, MATAPOS IBIDA SA SEA GAMES, PINALALAYAS NAMAN? —Matapos ibida ng Philippine SEA Games Organizing Committee (PHISGOC) ni Speaker Alan Peter Cayetano noong opening ng 30th Southeast Asian Games ang kultura ng mga katutubong Pinoy, pinadalhan umano ng sulat ng Bases Conversion and Development Authority (BCDA) ang mga Aeta sa Tarlac na nagsasaad na binabawi na ng gobyerno ang lupang kinatitirikan ng kanilang bahay kaya dapat daw sa loob ng pitong araw ay umalis na sila sa kanilang tahanan.
Hay, naku, matapos ibida sa SEA Games ang mga katutubo ay ipinagtatabuyan ang mga Aeta, tsk-tsk-tsk!
◘◘◘
MGA SPA PROSTITUTION SA QC, TULOY PA RIN—Noong Oct. 19, 2019, matapos salakayin ng mga parak at mabuking na front ng prostitusyon ang Dragon SPA sa E. Rodriguez Ave., Quezon City ay agad iniutos ni Mayor Joy Belmonte ang pagpapasara sa mga spa prostitution sa QC.
Ang masaklap, Disyembre na, pero hanggang ngayon ay nag-o-operate pa rin daw ang mga spa prostitution sa QC. Buwisit!





Comments