top of page

Disposable plastics no more! Plato na gawa sa dahon ng saging, patok!

  • Jersey Sanchez
  • Dec 8, 2019
  • 2 min read

Sa panahon ngayon, kapag tinatamad tayong maghugas ng mga pinggan, lalo na kapag may handaan ay pinipili nating bumili ng disposable plates. Ito ay dahil bukod sa napakadali nitong bilhin ay hassle-free rin kapag kailangan na itong ligpitin.

Gayunman, marami nang umaayaw sa paggamit nito dahil hindi ito eco-friendly. At para mabawasan ang paggamit ng disposable plates na nakasasama sa kalikasan, isang grupo sa Peru ang gumawa ng mga plato mula sa dahon ng saging. Yes, lodi!

Mayroong proyekto ang isang grupo ng Peruvians na tinawag na Bio Plant. Layon nito na iligtas ang planeta sa pamamagitan ng pagbabawas ng paggamit ng plastic.

Dahil dito, gumawa ang grupo ng mga plato gamit ang banana leaves o dahon ng saging bilang alternatibo sa mga disposable plates.

Kapag nagamit ang mga ‘banana plate’, made-decompose ito sa loob ng dalawang buwan. Samantala, ang mga disposable plates na karaniwang ginagamit natin ay nangangailangan ng 500 taon para tuluyang ma-decompose na nagiging sanhi ng polusyon at damage sa mga halaman at hayop.

Gayunman, binibigyan ng pinansiyal na suporta ng Innovate Peru Program ang proyektong ito kaya ang mga kalahok ay kayang mag-produce ng 50,000 banana plates kada buwan. Ang banana plates ay hugis-pahaba at may sukat na 22cm x 16cm x 3cm.

Bukod sa Bio Plant project, may isa pang grupo na gumawa ng proyekto na may kaparehong layunin. Ang Chuwa Plant group ay nagdisenyo ng mga plato gamit ang cardboard na madaling ma-dispose. Gayundin, ito ay idinisenyo para maging single-use at may kakayahang maglaman ng iba’t ibang klase ng pagkain. Wow!

Ang lakas maka-boodle fight dahil dahon ng saging pa rin ang pinaglalagyan ng pagkain, pero this time, medyo nag-evolve na. He-he-he!

Wala pa man nito sa ‘Pinas, keri nating magbawas ng plastic waste sa pamamagitan ng paggamit ng mga reusable containers.

Gets mo?

 
 
 

Comments


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page