top of page
Pokwang.jpg

Ayaw tumanggap ng pagkakamali, nanlamig sa GF nang pagsabihan

Roma Amor
Dec 8, 2019
1 min read

Dear Roma, Ako si Katrina, 23. Sumulat ako dahil habang lumalamig ang panahon, lumalamig din ang pakikitungo sa akin ng boyfriend ko. Nagsimula ito nu’ng sinabi ko sa kanya ang mga pagkakamali at pagkukulang niya dahil gusto ko lang na maging aware siya sa mga ginagawa niya. Gayundin, ayaw ko at ng pamilya niya ang mga ginagawa niya, pero hindi siya nakikinig sa amin. Ano ang dapat kong gawin? – Katrina

Katrina, Kahit gaano kaganda ang intensiyon mo, kung para sa BF mo ay walang mali sa mga ginagawa niya, balewala ito. Gayunman, kung mahal mo siya, huwag kang magsawa sa pagtama ng mga mali niya dahil nandiyan ka para tulungan siyang maging mabuti at hindi para mangunsinti. Tiyagaan lang dahil darating ang panahon na mare-realize niya na ang lahat ng ginagawa mo ay para sa ikabubuti rin niya. Kaya mo ‘yan, beshy. ‘Wag kang susuko!

 
 
 

Comments


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page