top of page
Machong Chismisan - YT.jpg

9 tiklo sa droga

Maeng Santos
Dec 8, 2019
1 min read

Siyam na hinihinalang sangkot sa ilegal na droga ang nadamba ng mga awtoridad sa magkahiwalay na buy-bust operation sa Valenzuela City.

Ayon kay Valenzuela Police Chief Col. Carlito Gaces, alas-12:10 kahapon ng hatinggabi nang ikasa ng mga operatiba ng SDEU Team 4 sa pangunguna nina PCpt. Segundino Bulan, Jr. at PEMS Noel Barnedo ang buy-bust operation sa Bgy. Gen T De Leon sa koordinasyon sa PDEA na nagresulta sa pagkakaaresto kina John Mark Arcinas, 29; John Christopher Angulo, 30; Broxin James Dinglasa, 23, at Luis James Enaje, 20, pawang nasa watchlist.

Ani PCpl. Christopher Quiao, nakumpiska sa mga suspek ang P300 buy-bust money at 0.70 gramo ng shabu na nasa P4,760 ang halaga.

Alas-7:40 naman ng gabi nang masakote ng mga operatiba ng SDEU sa buy-bust operation sa P. Deato St., Marulas si Montano Gagante Jr., 40, at nakuha sa kanya ang P200 buy-bust money at .2 gramo ng shabu na nasa P1,300 ang halaga.

Timbog din ng mga operatiba ng SDEU sa pangunguna ni PSSg. Rolando Magno sa buy-bust operation sa Compd. 2, Sitio Cabatuhan, Gen T De Leon alas-11:30 ng gabi si Rolando Arzala, 47, truck driver; Jericho Pelenio, 38, field officer, at Jayson Carreon, 19.

Ayon kay PSMS Fortunato Candido, narekober sa mga suspek ang P500 buy-bust money, P200 bill at 0.5 gramo ng shabu na nasa P3,400 ang halaga.

Nauna rito, nadamba rin ng mga operatiba ng SDEU Team 3 sa pangunguna ni PCpt. Bulan, Jr. sa buy-bust operation sa Sitio Cabatuhan Compd. Gen T De Leon, alas-9:20 ng gabi si Josie Amaro, 55. Nakumpiska sa kanya ang P300 buy-bust money at 2.5 gramo ng shabu na P18-K ang halaga.

Comments


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page