top of page
Bea Alonzo - IG.jpg

3 yo local C’ship race

Ding Taboy
Dec 8, 2019
2 min read

RENDA at LATIGO

Mahigpit na magtu­tunggali ngayon ang mga mananakbo sa 2019 Phil­racom “3 Year Old Local Championship Race” sa San Lazaro Leisure Park, Car­ona, Cavite ngayong hapon.

Bukod dito, matu­tung­hayan din ang Philra­com Charity Race (for the bene­fit of Arnold Jansen Kali­ngan Foundation) Philracom Rating Based Handicapping System Race.

Maghaharap ang pi­tong kalahok sa pangu­nguna ng Obra Maestra, Weather Lang, Real Gold, Pheno­menal, Patong Pa­tong, Two Timer at Gep­nits.

Pinapa­boran ang Real Gold habang ang Obra Maestra ang mag­sisilbing mahigpit na kalaban.

Mananatiling banta ang Weather Lang, Pa­tung Pa­tong at Two Timer.

Ang nasabing karera ay may guaranteed prize na P1.5-M na mapupunta ang P900,000 sa kaba­yong magkakampeon ha­bang P337,500 sa 2nd prize ta­tanggap ng P187,500 ang 3rd prize at P75,000 sa 4th place.

Maghaharap sa Phil­ra­­com Sponsored Charity Race (for the benefits of the Arnold Jansen Kali­nga Foundation) ang mga kala­hok na Viva Morena, Wild Wild West, Putting Biyaya, Toy For The Big­boy, Hook­bung Dagat, Hot and Spicy at Erik The Viking.

Magkakamit ng P180,000.00 ang mag­wa­wagi sa karera na pina­pa­boran ang Viva Morena.

Kasabay nito bibi­tiwan ang Winner Take All (WTA) Pick 6, Pick 5 at Pick 4 at Trifecta, Quartet at Penta­fecta na tatayaan ng Bayang Ka­rerista.

Sa Race 1, umpisa nang 1st WTA at mag­lalaban–laban ang mga kalahok na Charlord, couple entry na Grandox at Gunga Din at My Big Osh, magaganap ang 1st Pick 5 sa Race 2 na pag­lalabanan ng mga ka­la­­hok na Run Em Down, Double Sunrise at Prin­cess Xia at 1st Pick 6 sa Race 4 na mahigpit na maglalaban ang magka-couple entry na Gentle­man Jim, Rockstar Show, at Ava’s Dream, Hid­den Eagle at Universe.

Magaganap ang 2nd WTA sa Race 3 at pina­pa­boran ang Julian’s Gold, Ten Ten Forty at Go Tango, habang 2nd Pick 5 sa Race 5 na magbibigay ng magan­dang puntos ang Real Gold at Obra Maestra at 2nd Pick 6 sa Race 7 at pinapaboran ang Panalangin at Band of Halo.

Magaganap ang 3rd WTA sa Race 6 at pina­paboran ang Don Alber­tini, Oktubre Katorse at Icon habang 3rd Pick 5 sa Race 8 ipinapatok ang Another Stunner at mag­sisimula ng Pick 4 sa Race 9 at ipina­patok ang Tag­puan.

Magbibigay ng ma­gan­dang puntos ang Kai­luphia sa Race 11 at Fire Bull sa Race 12.

Comments


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page