top of page
FRANKLY - LEA, TODO-BILIB NA WINNER PA RIN ANG FORGOTTEN ISLAND KAHIT NAG-FLOP _IG _msleas

11 sasakyan inararo ng trak

BRT
Dec 8, 2019
1 min read

Photo: Abs-cbn News

Tinatayang 11 sasakyan ang inararo ng mixer truck, kahapon ng umaga sa boundary ng Cotabato City at bayan ng Datu Odin Sinsuat sa Maguindanao.

Batay sa imbestigasyon, napansin ng mga sundalo sa checkpoint na papasok ng Cotabato City mula Maguindanao na mabilis umano ang takbo ng trak.

Binangga pa umano nito ang mga warning devices at mga nakaharang na gulong.

Nang makalampas sa checkpoint, sunud-sunod nang inararo ng trak ang mga sasakyan sa Tamontaka Bridge.

Kaugnay nito, isa sa mga driver ng inararong sasakyan ang bahagyang nasugatan nang tamaan ng mga nabasag na salamin ng minamanehong sasakyan.

Basag din ang bintana ng ilan sa mga sasakyan habang ang iba ay nagkayupi-yupi ang bumper.

Sumuko naman ang drayber ng trak sa pulisya. Aniya, aksidente ang nangyari kaya humihingi ito ng tawad sa mga nabiktima.

Hindi umano niya inakalang may problema sa trak dahil nauna na siyang nakapag-deliver ng semento bago ang insidente.

Comments


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page