Sa lahat daw ng naging babae niya… Sigaw ni Jake: Kay Kylie lang ako tinamaan nang husto!
- Beth Gelena
- Dec 7, 2019
- 1 min read
Beth Gelena / Bulgary Files

Kalat na sa showbiz circle ang pagsasama di umano sa iisang bubong nina Jake Cuenca at Kylie Verzosa.
Wala pang one year ang relasyon ng celebrity couple dahil last September lang sila umamin.
Thirty-one na si Jake at 27 naman ang former Miss International 2016 na si Kylie.
Palaisipan lang kamakailan kung sino ang ipinost ni Jake sa kanyang Instagram account na hinihintay niyang umuwi sa kanyang bahay.
Sabi ni Jake, “So into you, can’t wait for you to come home.”
Nang makorner ang aktor at makuhanan ng pahayag hinggil sa kanyang post, paliwanag niya, excited lang siyang makauwi dahil marami siyang out of the country nu’ng mga nakaraang araw. Gusto raw niyang laging nakakasama ang girlfriend kapag may free time siya.
Tulad nga ng nasabi na niya nu’ng una pa mang interbyu hinggil sa relasyon nila ni Kylie, gusto na niyang mag-settle down. At si Kylie na raw ang napili niyang makasama sa buhay.
Lahad ng aktor: “Tulad ng sabi ko noon, para sa akin, kung nasaan ako ngayon, sa edad ko, hindi na malayong tingnan ‘yun.”
Inamin pa ni Jake na ilang babae na raw ang kanyang nakarelasyon, pero kay Kylie lang siya tinamaan nang husto.
Samantala, walang denial o confirmation mula sa Kapamilya actor kung nagli-live-in nga ba sila ng former beauty queen.





Comments