Magsasaka, sinuwag ng alagang kalabaw, todas
- Jeff Tumbado
- Dec 7, 2019
- 1 min read

Isang 48-anyos na magsasaka ang nasawi matapos itong suwagin ng kanyang alagang kalabaw sa Enrile, Cagayan.
Binawian ng buhay sa ospital ang biktimang si Rosendo Calayan habang ito ay nasa kalagitnaan ng operasyon dahil sa tinamong malalalim na wakwak sa katawan sanhi ng pagkakasuwag sa kanya ng nasabing hayop.
Nabatid sa imbestigasyon ng Enrile Municipal Police, pasado alas-7:00 kahapon ng umaga nang maganap ang insidente sa malawak na bukirin ng Bgy. Alibago kung saan iniaahon umano ni Calayan ang kanyang alagang kalabaw.
Gayunman, sa hindi malamang kadahilanan ay biglang nagwala ang kalabaw at dito sinuwag ang biktima.
Nag-panic ang mga residente dahil sa labis na takot na baka sila naman ang suwagin ng nagwawalang kalabaw na kalaunan ay napagpasyahan na lamang na katayin bago pa makapaminsala ng iba.





Comments