top of page

Kung gusto mong umasenso, besh, alam na! Mahabang buhok, sagabal sa pagyaman

  • Socrates Magnus
  • Dec 7, 2019
  • 1 min read

Salaminin natin ang panaginip ni Gina ng Gina_Norio@facebook. com

Dear Professor,

Nanalamin ako at nakita ko na sobrang haba at kapal ng buhok ko. Kitang-kita ko ‘yun, tapos hinawakan ko pa at inilagay sa likuran ko ang mahabang buhok ko. Ano ang ibig sabihin nito? Salamat!

Naghihintay, Gina

Sa iyo Gina, Hindi ba ang sabi, anumang sobra ay hindi maganda? Applicable rin sa buhok ang katotohanang ito. Kumbaga, kapag mahaba ang buhay, hindi gaanong makakilos, kaya kapag sobra ang haba ng buhay, masasabing wala nang pagkilos.

Ang pagkilos na tinutukoy ay ang produktibong pagkilos na nakatuon sa pagpapaunlad ng buhay sa work at pagkita ng pera o pagpapayaman.

Mahirap paniwalaan, pero isang reyalidad na ang babaeng aplikante sa trabaho ay hindi matatanggap, kaya lang hindi niya alam kung bakit, pero ‘yun na ang dahilan— hindi kailangan ng empleyadong may mahabang buhok sa kumpanyang aktibo.

Kaya ang mga alagad ng sining ay inilalarawan ang working girls na maiksi lang ang buhok dahil ito ay totoo. Walang alagad ng sining na may sobrang haba ng buhok.

Sabi ng iyong panaginip, dapat mong pansinin ang buhok mo dahil kung mahaba na, hahaba pa ito, lalo na kapag hindi ka namasukan o hindi ka nagkaroon ng aktibong pamumuhay.

Kaya ang payo sa iyo, iksian mo ang buhok mo at magugulat ka, ilang araw pagkatapos umiksi ang hair mo, magiging aktibo ka at magsisimula na ang iyong pag-asenso.

Gawin mo ito, now na! Muli, para magkaroon ka ng very active life kung saan darami ang iyong yaman, paiksian mo ang iyong buhok.

Hanggang sa muli, Professor Seigusmundo del Mundo

 
 
 

Comments


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page