Kahit usung-uso ngayon sa showbiz… Iza, kumantang 'di pa puwedeng magka-baby
- Janice DS Navida
- Dec 7, 2019
- 2 min read

Sobrang busy ni Iza Calzado na bida sa 2019 Metro Manila Filmfest entry na Culion dahil bukod sa pelikulang ito na ipapalabas sa December 25, may iba pa siyang projects na ginawa tulad na lang ng iWant digital series na pagtatambalan nila ng guwapong Kapamilya actor na si Jameson Blake.
May-December affair ang tema ng istorya ng series at nang tanungin namin si Iza sa naging experience niya working with Jameson, nangingiti-ngiti ang aktres habang inaamin sa press na intense ang mga love scenes nila ng young actor na halos younger brother or anak na lang niya.
Tipong Angel Aquino at Tony Labrusca sa iWant digital na Glorious ang ganap sa kanila ni Jameson sa naturang upcoming series at natatawa si Iza habang sinasabing “I think may laban naman,” nang tanungin nga ng press kung matatapatan ba ng ginawa nila ng young actor ang ginawa nina Angel at Tony.
Bagama’t tumanggi si Iza na sagutin ang tanong kung ano’ng ‘lasa’ ng batang aktor bilang leading man niya, aniya, wala naman itong ipinagkaiba sa mga unang naka-kissing scene niya like Piolo Pascual.
Tinanong din namin si Iza kung ano’ng reaksiyon ng mister niyang si Ben Wintle sa pagtanggap niya ng daring role katambal si Jameson at aniya, ‘di naging issue ito kay Ben na sobrang supportive sa kanyang career at naiintindihan ang mga ginagawa niya bilang aktres.
At dahil nga sobrang busy ni Iza na marami pang naka-line-up na projects, saka na raw muna ang ‘baby project’ nila ni Ben. Mahirap naman daw kasing magbuntis siya at hindi pa talaga puwede lalo’t may isa pa siyang movie na gagawin kung saan may fight scenes siya.
Naiintindihan din naman daw ito ng mister niya kaya kahit usung-uso ngayon sa showbiz ang mga nagkakaanak, hindi muna nila ito priority ni Ben. Isa pa, one year pa lang naman daw silang kasal at hindi pa nga sila nakakapag-honeymoon nang mahaba kaya ‘yun daw muna ang gagawin nila kapag natapos na niya ang mga commitments niya.
Samantala, excited si Iza dahil first time niya na maging lead role sa isang MMFF entry kung saan malalaking artista nga ang makakalaban niya via Culion. Pinagsasabong sila ni Judy Ann Santos na bida naman sa Mindanao pero sabi ni Iza, kesa pagsabungin sila, pareho na lang panoorin ang movie nila lalo’t kaibigan niya si Juday.
Kasama ni Iza sa Culion sina Meryll Soriano, Joem Bascon at Jasmine Curtis-Smith, Mike Liwag, Lee O’Brian, Joel Saracho, Suzette Ranillo, Nicolo Fowler, Rex Lantano, Andre Lejados at marami pang iba.
Mula sa direksiyon ni Alvin Yapan, co-producer din si Iza nina Shandii Bacolod of MSB and Gilie and Peter Sing of iOptions Productions company.





Comments