top of page
FRANKLY - LEA, TODO-BILIB NA WINNER PA RIN ANG FORGOTTEN ISLAND KAHIT NAG-FLOP _IG _msleas

Gobyerno, galaw-galaw sa sobrang mahal na galunggong — Marcos

Lourdes Abenales
Dec 7, 2019
1 min read

Umaaray ang mga tindero at mga mamimili sa dumobleng presyo ng galunggong at iba pang isda sa ilang pangunahing palengke sa Metro Manila.

Ayon kay Senador Imee Marcos, chairperson ng Senate Committee on Economic Affairs, mas mahal pa ang presyo ng GG sa karneng manok at baboy sa pamilihan kaya dapat itong solusyunan agad ng pamahalaan.“Ang sosyal na talaga ng GG ngayon dahil sa sobrang mahal. Hindi na siya poor man’s fish. Mas mahal pa ang GG sa presyo ng manok, baboy at baka. Hindi naman siguro dapat nakanganga na lang tayo sa presyuhang ito. Gawan sana ito ng paraan ng gobyerno,” ayon kay Marcos.

Pinuri naman ni Marcos na ang agarang pag-apruba ni Agriculture Sec. William Dar na umangkat ng 45,000 metric tons ng GG at mackerel para mapunan ang kakulangan ng suplay nito sa bansa.

Comments


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page