top of page
Pokwang.jpg

Driver nakaidlip.. Ambulansiya swak sa bangin

Jeff Tumbado
Dec 7, 2019
1 min read

Photo: gmanetwork

Sugatan ang driver makaraang mahulog sa bangin ang minamaneho nitong ambulansiya sa Imelda, Zamboanga Sibugay, kamakalawa ng gabi.

Nagtamo ng mga galos sa katawan ang hindi na pinangalanang driver na nasa ligtas ng kondisyon.

Sa inisyal na ulat, pabalik na mula Zamboanga City ang ambulansiya matapos maghatid ng pasyente.

Gayunman, pagsapit sa bahagi ng national road ng Bgy. Lower Baluran ay nahulog ito sa bangin na may lalim na 30 metro.

Dahilan umano ng pagkahulog ng ambulansiya sa bangin ay ang pagkakaidlip ng driver.

Comments


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page