top of page
Bea Alonzo - IG.jpg

Cyclist Prado, silver sa women’s time trial

VA
Dec 7, 2019
1 min read

Photo: gmanetwork

Bigong masungkit ni Jermyn Prado ang kanya sanang ikalawang gold medal makaraang maungusan sa rematehan ng nakatunggaling Vietnamese rider sa finish line kahapon sa women’s road race ng 30th Southeast Asian Games cycling competition sa Tagaytay City.

Nagkasya na lamang si Prado, gold medalist sa individual time trial noong Huwebes ng silver medal matapos maunahan ng bahagya ni Thi Thac Nguyen ng Vietnam sa pagtawid nila sa finish line.

Binigyan ng identical clocking na 3:23:57, ang dalawang rider subalit napunta sa Vietnamese ang gold dahil nakalamang ito ng may halos isang bisikletang layo kay Prado.

Naiuwi ng Indonesian rider na si Delia Priatna ang bronze sa naitalang tiyempo na naiwan ng isang minuto at 5 segundo kay Nguyen.

Hindi nakaabot ng podium ang isa pang Pinay bet na si Marella Salamat na tumapos na pampito sa tiyempong 3:25:04.

“Masaya po kasi nagbunga rin ‘yung mga hirap at sakripisyo namin sa ensayo,” ani Prado.

Magkasamang nag-breakaway sa grupo sina Prado at Nguyen pagdating sa huling 25-km ng karera sa bayan ng Calaca, Batangas at mula roon ay hindi na naghiwalay hanggang sa finish line sa may The Praying Hands Monument sa Tagaytay City.

Comments


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page