Carry over ng quartet pentafecta at super 6
- Ding Taboy
- Dec 7, 2019
- 2 min read

Mahigpit na labanan ang magaganap ngayong hapon sa karera sapagkat magaganap ang Triple Carry Over sa Santa Ana Park sa Naic, Cavite.
Magaganap ang Triple carry over sa Quartet na P27,858.16 Pentafecta na P21,424.97. at Super Six na P67,457.18. Kasabay nito bibitiwan ang Winner-Take-All (WTA) Pick 6, Pick 5 at Pick 4 na paglalabanan ng mga kalahok na kabayo.
Tatawirin ang mga kalahok sa distansiyang 1,400 meters sa Condition Race at Condition Race Merged 10. Sa Race 1, magsisimula ang 1st WTA na sasabayan ng tatlong carry over sa Quartet, Pentafecta at Super Six, na mapapalaban ang Expensive, Good Boss at Pair Pair.
Sa Race 2 na panimula ng Pick 6 kasabay ng Trifecta, Quartet at Pentafecta at nakalalamang ang Warrior Heart at posibleng tumalo ang Smart Tyler isama ang Hunyo Disenueve, Shalom at Minalim. Sa Race 3, ipinapatok ang Senior Lucas, Electric Truth, Sky Hook, Morning Breepeeding at Serafina kasabay ng 1st Pick 5.
Sa Race 4, nakalalamang ang Couple Entry na Big Boy Vito at Princess Tin sa couple entry na Spectrum at Undercover kasabay ng panimula nang 2nd WTA. Sa Race 5, nakalalamang ang Peter Pride, habang makakalaban ang Hardliner na panimula ng 2nd Pick 6.
Sa Race 6 ng 2nd Pick 5, nakalalamang ang Constitution habang mananatiling banta ang Pilya at ang couple entry na Grand Villa at Dalagang Bukid. Sa Race 7, magaganap ng umpisa ng Pick 4 at ipinapatok ang couple entry na All Heart at Magnum Opus.
Sa Race 8, balikatan ang mangyayaring labanan sa pagitan ng Cups in Raver at Union Run. Sa Race 9, nakalalamang ang Pronto at mahigpit na makakalaban ang Queensboro isama ang River Mist at Magic Carpet Ride sa Trifecta at Quartet.
Magkakalaban ang Simply Believe, Put Atigerinurtank, Dimakya Island, isama ang Grand Princess at Ainna’s Victory sa Pentafecta at Super Six sa Race 10.





Comments