19-anyos tiklo sa droga

Isang 19-anyos na binata ang arestado matapos makuhanan ng 16 gramo ng pinatuyong dahon ng marijuana sa Navotas City.
Kinilala ni Navotas Police Chief Col. Rolando Balasabas ang naarestong suspek na si Lucky Estavillo, ng Bgy. Tangos North, Navotas.
Batay sa ulat, alas-7:00 ng gabi, nagsasagawa ng covert validation ang mga operatiba ng SDEU sa pangunguna ni PLt. Charlie Bontigao sa Bgy. Tangos North nang maispatan si Estavillo na kahinahinala ang kilos.
Nang sitahin, nakumpiska sa suspek ang walong sachets na naglalaman ng pinatuyong dahon ng hinihinalang marijuana na tumitimbang ng 16 gramo na nasa P1,920 ang halaga.





Comments