top of page
Alex Eala at Sandro Marcos - FB.jpg

14 na dayuhan, inilalako sa condo, buking

  • Gina Pleñago
  • Dec 7, 2019
  • 1 min read

Nailigtas ng mga tauhan ng Women’s and Children’s Protection Desk (WCPD) ng Philippine National Police (PNP) at Parañaque-DSWD ang isang babaeng Chinese at 13 pang dayuhan na may iba’t ibang nasyunalidad na sinasabing ibinubugaw umano sa mga parukyano sa isang condominium sa Parañaque City, kamakalawa ng gabi.

Nasa kustodiya ng tanggapan ng WCPD sa Camp Crame, Quezon City ang mga dayuhan.

Patuloy pang inaalam ang pagkakakilanlan ng manager na nag-recruit sa mga biktima.

Ayon sa inisyal na ulat, nagsagawa ng rescue operation ang mga tauhan ng WCPD ng PNP sa pangunguna ni Lt. Col. Samuel Mina at ng Parañaque-DSWD sa Bay Tower 1 Condominium, Roxas Boulevard, Bgy. Tambo sa Parañaque City, alas-8:00 ng gabi.

Nagsumbong ang biktimang Chinese sa awtoridad kaugnay sa nagaganap na pambubugaw umano sa kanila ng kanilang manager dahilan upang agad nagsagawa ng operasyon ang WCPD.

Pagdating sa condominium, nailigtas ang Chinese at 13 iba pang dayuhan na pinaniniwalaang biktima ng human trafficking sa lugar.

Nagsasagawa na ng imbestigasyon at follow-up operation ang mga awtoridad sa naturang kaso.

Comments


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page