top of page
BULGARY - SEN. ROBIN, MAY P150 M AMBAG SA PHIL. FILM HERITAGE, BUILDING ‘DI PA RIN NATAPOS

Nag-post sa FB, nagpapatubos ng P100-K.. 13 yrs. old umamin sa ‘kidnap me’

  • Jeff Tumbado
  • Dec 6, 2019
  • 1 min read

Photo: Abs-cbn News

Gawa-gawa lang umano ng 13-anyos na babae sa Quezon City ang sinasabing pagdukot sa kanya.

Humarap sa mga tauhan ng Quezon City Police District-Criminal Investigation and Detection Unit ang isang alyas Rowena na inaming hindi totoong kinidnap siya tulad ng kanyang naikuwento sa social media post.

“Hindi po totoo na nakidnap ako. Naisipan ko lang po ‘yun kung may mag-aalala sa ‘kin o wala,” anito.

Sa Facebook post, ibinahagi ni ‘Rowena’ na dinukot siya sa Bgy. Old Balara at nagpapasaklolo dahil hindi umano siya makatakas mula sa mga kidnaper.

Nai-share naman ng mga kaibigan ni ‘Rowena’ ang post nito kaya napansin ng mga awtoridad.

Nagpa-blotter din ang ina ni ‘Rowena’ sa QCPD Station 6 noong alas-5:00 ng hapon ng Linggo at ipinakita pa nito ang text message na natanggap mula sa umano sa kidnapper na nanghihingi ng P100,000 pantubos kapalit ng buhay ng anak.

Kasunod na kuwento ni ‘Rowena’ ay ang pagpapalaya sa kanya ng mga kidnaper noong Lunes dahil walang pera ang kanyang mga magulang pero, sa huli ay umamin din ito na gawa-gawa lang ang nangyari.

Lumalabas na nagtungo si ‘Rowena’ sa simbahan at nakitulog lang sa isa niyang kaibigan. Inirekomenda na isailalim ito sa counseling si ‘Rowena’ para matulungan.

Comments


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page