Nag-english, kausap nainis.. Bebot pinugutan, utak kinain

Wala ng ulo nang matagpuan ang isang babae sa sementeryo sa Bgy. Punta, Talisayan, Misamis Oriental.
Ayon sa pulisya, nakagapos at walang saplot na pang-itaas nang makita ang katawan ng biktima.
Hindi pa tukoy ang pagkakakilanlan nito na kasama umano ang suspek na si 'Lloyd', 21-anyos, nang magpunta sa sementeryo.
Naaresto ang suspek na umamin umano na gumamit siya ng kalawit para pugutan ang babae matapos siyang mainis sa pagsasalita nito ng ingles.
Sinabi rin umano ni 'Lloyd' na kinain niya ang utak ng biktima dahil sa gutom.
Itinuro na mismo ng suspek sa pulisya ang pinagtaguan nitong butas ng ulo ng babae na hindi kalayuan sa kanyang bahay.
Patuloy nang sinisiyasat ng mga awtoridad ang motibo ng krimen at ang sinasabing may diperensiya sa pag-iisip ang suspek.





Comments